NAGSAGAWA ng bloodletting activity ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon ng umaga ng Marso 12, 2024 sa PDEA NHQ Activity Area sa Barangay Piñahan sa Quezon City.
Katuwang ng PDEA ang Philippine-Chinese Charitable Association Incorporated (PCCAI) Chinese at General Medical Center.
Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kasama sa aktibidad ang mga opisyal, ahente, at empleyado ng PDEA na boluntaryong nag-donate ng dugo sa nasabing ospital para tumulong sa pagsagip ng mga buhay sa panahon ng emergency na nangangailangan ng blood transfusion.
Ayon kay DG Lazo, ang bloodletting activity ay alinsunod sa Republic Act 7719 o ang National Blood Services Act of 1994 na naglalayong isulong ang donasyon ng dugo upang makapagbigay ng sapat, ligtas, at pantay na dugo para sa mga Pilipinong nangangailangan sa bansa.