SA isinagawang press conference, personal na nakikiusap si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Usec. Moro Virgilio Lazo, sa Taguig LGU para ibalik ang suporta nito sa kanilang ahensiya.
Kasunod ito ng pagbawi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ng kanyang suporta sa PDEA-Southern Police Office partikular na sa gusaling tinitirhan ng mga tauhan nito.
Matatandaang, nasangkot ang hepe at mga tauhan ng PDEA-SDO sa isinagawang buy-bust operations ng opisina nito sa Taguig.
Aminado ang DILG na ikinadismaya mismo ni Mayor Cayetano ang pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa nasabing operasyon.
Nauna na ring nangako ang DILG na kakausapin nito ang Taguig City Government hinggil sa pagbawi ng suporta nito sa PDEA.