PDEG, tuloy ang internal cleansing; 20 tauhan, inalis sa puwesto

PDEG, tuloy ang internal cleansing; 20 tauhan, inalis sa puwesto

INALIS sa puwesto ang 20 tauhan ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group (PDEG) bilang bahagi ng kanilang internal cleansing.

Sinabi ni PDEG Director Police Brigadier General Faro Antonio Olaguera na sa nasabing bilang ay 13 ang konektado sa 990 kilo ng shabu sa Maynila habang 7 ang inalis dahil sa ibang kadahilanan.

Sa kabuuan, umabot na sa 117 tauhan ang inalis sa puwesto sa PDEG.

Nagpapatuloy rin ang mahigpit na pagsala sa mga tauhan ng PDEG kung saan mahigit 1,000 ang sumasailalim sa refresher course.

Samantala, suportado ni Olaguera ang plano ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na i-deploy ang ilang tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) sa PDEG.

Naniniwala ang opisyal na maganda itong ideya at makakatulong sa kanilang hanay ang elite unit ng PNP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter