PDP-Laban bets nangakong tutugunan ang matagal nang sigaw ng mamamayan

PDP-Laban bets nangakong tutugunan ang matagal nang sigaw ng mamamayan

TALACOGON, Agusan del Sur – Isang makasaysayang araw para sa mga taga-Talacogon ang isinagawang Proclamation Rally ng Macdaddy-Bosque Team sa ilalim ng PDP-Laban, kung saan inilatag nila ang kanilang komprehensibong plano para sa tunay na pagbabago sa bayan — ang KEATT Program.

Ano ang KEATT Program?

Kalsada – Pagpapatayo at pagsasaayos ng mga pangunahing kalsada, tulay, at alternatibong ruta upang mas mapadali ang paggalaw ng tao at produkto.

Edukasyon – Pagbibigay ng access sa de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng scholarship programs, pagsuporta sa mga guro, at pagpapalawak ng mga pasilidad ng paaralan.

Agrikultura – Pagpapalakas ng kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng training, makabagong kagamitan, at marketing support para sa kanilang mga ani.

Trabaho – Pagtutok sa job generation programs, skills training, at pagpapalago ng MSMEs (Micro, Small, Medium Enterprises) para sa mas malawak na hanapbuhay.

Turismo – Pagpapaunlad ng mga natatanging tanawin at kultura ng Talacogon upang maging destinasyon sa turismo, kasabay ng pagbibigay ng dagdag kita sa komunidad.

Suporta mula sa PDP-Laban at Kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Naniniwala ang Macdaddy-Bosque Team na sa tulong ng buong PDP-Laban Senatorial Slate at ni Pastor Apollo C. Quiboloy, mas mapapabilis ang implementasyon ng mga proyektong ito. Anila, oras na upang ang boses ng probinsya ay mapakinggan sa pambansang antas.

“Hindi lang ito plano sa papel. Ito ay platapormang itataya namin ang aming serbisyo para maisakatuparan.”

Follow SMNI NEWS on Twitter