NANINDIGAN ang mga senatorial candidate ng PDP-Laban na sila ang magiging oposisyon ng Marcos Administration.
Sa ikatlong araw ng kampanya sa halalan ay nagasagawa na rin ng proclamation rally ang PDP-Laban.
Ito ay ginanap sa Club Filipino ng San Juan City na dinumog ng kanilang mga taga suporta.
Sa programa siyam na kandidato ang ipinakilala ng partido bilang “Duterte Senatorial Candidates.”
Dito ay kanila ring binigyan ng diin ang pagiging oposisyon ng administrasyong Marcos.
Kabilang sa Duterte senatorial Candidate ay sina:
-Dating PAGCOR board member Atty. Jimmy Bondoc.
-Dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa
– Dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go
– Atty. JV Hinlo
– Atty. Raul Lambino
– Atty. Rodante Marcoleta ng Sagip Partylist
– Pastor Apollo C. Quiboloy ng KOJC
– Dating Executive Secretary Vic Rodriguez
– at Veteran Actor Phillip Salvador
Present ang lahat ng mga Duterte Senatorial candidate maliban kay Pastor Apollo Quiboloy na nakadetain sa Pasig City Jail.
Sa kanyang mensahe na ipinaabot sa pamamagitan ng isang video ay sinabi ni Pastor Apollo na kanyang ipagpapatuloy ang mga nagawa ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Nilabanan ng ating pangulo ang mga makakaliwang teroristang grupo at iligal na droga, mga salot sa lipunan. Dadalhin natin ang laban na ito sa senado, gagawa ng mga batas na tututok na mabigyan ng maginhawa at mabuting pamumuhay ang bawat Pilipino,” ayon kay Pastor Quiboloy.
Ang ilan sa kanyang kasama sa Partido ay di mapigilang sagutin ang mga patama ni Bongbong Marcos noong umpisa ng campain period.
Ang Team Duterte ay niyakap ang tawag na “team suka” mula sa patama ng pangulo. Pero para sa kanila ang team suka umano ang lalaban sa administrasyong isinusuka na ng mga Pilipino.