ππππππ¦ππ§π π¨π πππ«ππ’ππ¨ πππ¦π¨π€π«πππ’π€π¨ ππ’π₯π’π©π’π§π¨ πππ€ππ¬ π§π πππ²ππ§ (πππ πππππ§)
MARIING kinukundena ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP Laban) ang hindi makatarungang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief Rommel Marbil at CIDG Director Nicolas Torre.
Ang sinasabing paghain ng Warrant of Arrest mula sa International Criminal Court (ICC) ay isang pakikialam sa ating judicial system at isang panghihimasok sa soberenya ng bansang Pilipinas. Malinaw na hindi na kasapi ng ICC ang ating bansa simula pa noong Marso 2019.
Ang pakikipag-sabwatan ng administrasyong Marcos sa ICC sa ilalim ng pamumuno nina Marbil at Torre ay patunay ng pag suko ng ating bansa sa isang organisasyong hindi na dapat kilalanin ng mga Pilipino.
Higit dito ay ang pagsupil ng karapatang pantao ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa hindi pag payag ng mga nasabing opisyales na siya ay sumailalim sa isang medikal na pagsusuri sangayon sa rekomendasyon ng kanyang personal na doktor.
Malaki ang magiging pananagutan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanan sa kanyang pagpayag na maaresto ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinitiyak ng pamunuan at buong miyembro ng PDP Laban na ito’y magiging matatag at makikiisa sa mga pagtataguyod ng katarungan para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Editorβs Note: This article has been sourced from the PDP Laban Facebook Page.