PDP-Laban senatoriables, buo ang suporta kay VP Sara Duterte

PDP-Laban senatoriables, buo ang suporta kay VP Sara Duterte

NAGKAISA ang mga bagong mukha ng partido PDP-Laban para suportahan si Vice President Sara Duterte.

Sa gitna na rin ito ng mga hamon ngayon sa bise mula sa Kongreso at iba pang sektor na kontra sa mga Duterte.

Saad ng senatorial candidates ng partido, walang ilEgal sa pahayag ng bise dahil ang pre-text ng kaniyang pahayag laban sa mga kapwa niya matataas na opisyal ay kung ipapapatay ito.

Naunang sinabi ni VP Sara na may resbak siya laban kay Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Speaker Martin Romualdez sakaling ipapapatay siya ng mga ito.

Suportado rin ng mga pambato ng partido ang pagdamay ni VP Sara sa kaniyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez na na-contempt at na-detine sa Kamara.

“‘Yan ay loyalty of the superior over her people, ganyan dapat ang leader,” ayon kay Atty. Raul Lambino, PDP-Laban Senatorial Candidate.

“What I think we have in VP Sara is someone who expresses everything kasi po she is stripped of her other powers.”

“In order to get the ears of the Filipino People, she has to express everything and for her own safety,” saad ni Atty. Jimmy Bondoc, PDP-Laban Senatorial Candidate.

Para kontra budol sa paparating na 2025 mid-term elections, nanawagan ng suporta ang mga miyembro ng PDP-Laban slate sa publiko.

“May pagkakataon tayong marinig ang ating boses. ‘Yung mapayapang paraan ay sa 2025 election,” wika ni Atty. JV Hinlo, PDP-Laban Senatorial Candidate.

Dumalaw naman sila kay VP Sara nitong Linggo, November 24, sa Veterans Memorial Medical Center.

Giniit naman din mga senatorial candidate na tumatakbo sila base sa prinsipyo ng mga Duterte.

At iginiit ang matinding pagtutol ng PDP sa diktadurya.

“Ang PDP po is against dictatorship and I wish for that to sink in because dictatorship takes on many forms no,” dagdag ni Bondoc.

Bukod sa tatlo, pambato rin ng PDP-Laban ang reelectionists na sina Bong Go, Bato dela Rosa, at artistang si Philip Salvador.

Pinakahuli sa mga inendorso ni PDP-Laban Party Chairman former President Rodrigo Roa Duterte ay si Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

PDP-Laban, inihahanda na ang mga kandidatong sasabak sa 2025 mid-term elections

Samantala, isang All Member Conference naman ang ginawa ng partido bilang pagpapalakas sa gagawing kampanya sa 2025.

Ayon kay PDP-Laban Region 3 Vice President Rafael Eubra, paraan nila ito para mapalakas ang kaalaman ang bawat senatorial teams na sasabak sa kampanya sa eleksiyon.

 “Ang vision kasi ng PDP is to be able to centralize, to have a mutual understanding and point of reference ano ang gagawin namin—ano ang ginagawa natin ngayon at ano ang gagawin pa sa mga darating na araw in reference to the campaign at sa election ngayong araw,” wika ni Rafael Eubra Jr., Vice President, PDP-Laban Region 3.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble