PDP-Laban senatoriables dumalo sa proclamation night ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement

PDP-Laban senatoriables dumalo sa proclamation night ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement

SA isang makasaysayang gabi sa Ynares Sports Arena, Pasig City, nagtipon-tipon ang ilang senatorial bets ng PDP-Laban upang ipahayag ang kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa Senado.

Si Pastor Quiboloy ay kinilala bilang adopted candidate ng PDP-Laban ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ngayong unang araw ng campaign period para sa 2025 national elections, mariing ipinahayag ng mga senatorial candidate ang kanilang kasiyahan at dedikasyon na makasama si Pastor Quiboloy sa kanilang line-up.

Sa harap ng matinding hamon ng politika, isang matibay na mensahe ng pagkakaisa ang ipinakita ng PDP-Laban sa kanilang Proclamation Night.

Kasabay ng pagsisimula ng kampanya, lalong tumitibay ang suporta para kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang laban tungo sa Senado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble