ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. bilang bagong kalihim ng Department of National Defense (DND).
Ito ay matapos ang pagbibitiw ni DND Officer-In-Charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr.
Ayon kay Presidential Communication Office (PCO) OIC Cheloy Garafil, tinanggap na ng Pangulo ang resignation ni Faustino.
Habang tinanggap na rin aniya ni Galvez ang kanyang bagong posisyon.