Peace-building activities, nilahukan ng mga kabataan sa Apayao

Peace-building activities, nilahukan ng mga kabataan sa Apayao

AABOT sa 55 kabataan mula sa Sta. Marcela, Apayao ang naliwanagan sa kung ano ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa paghubog ng ating bansa matapos ang ginawang Youth Leadership Summit na ginanap sa Bacut Lake, Tourism Complex and Nature Park sa Brgy. Marcela, Sta. Marcela, Apayao.

Ang tatlong araw na aktibidad ay may temang YOUTHnity for Peace na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na sumali sa peace-building activities na makapagbibigay sa kanila ng kaalaman na magagamit nila at mapapakinabangan sa kanilang komunidad.

Ang aktibidad ay punangunahan ng SK Federation President na si Heherson Calumpit, Mayor Evelyn Martinez, at LtC. Oliver C Logan, Battalion Commander ng 17IB.

Kabilang sa highlights ng aktibidad ay ang pagbibigay ng talumpati ni Ka Gillian na dating rebelde at ipinakita sa mga kabataan kung ano ang mga ginagawang taktika at panlilinlang at recruitment ng komunistang NPA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter