Peace covenant sa eleksyon, nilagdaan ng mga kandidato sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi

Peace covenant sa eleksyon, nilagdaan ng mga kandidato sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi

LUMAGDA sa isang peace covenant  sa eleksyon ang mga kandidato sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, na isinagawa sa Basilan State College, Isabela City, Basilan nitong Sabado.

Ayon kay Atty. Ray Sumalipao, Regional Election Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ang peace covenant ay para sa Sure, Accurate, and Free and Fair Elections (S.A.F.E) sa Mayo 9.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Saidamen Pagarungan at COMELEC Commissioner Erwin George Garcia.

“The province of Basilan Tawi Tawi has been historically challenged for the COMELEC with regard to peace and security. Remarkably the last election in Basulta was generally an improvement as there were less reports of gun-related violence compare to previous elections. I pray to Allah that we can further improve this coming May 9 elections,” pahayag ni Pangarungan.

Kasamang lumagda ang mga opisyal ng AFP sa pangunguna ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., na kumatawan kay AFP Chief of Staff General Andres Centino.

Lumagda rin ang mga opisyal ng PNP sa rehiyon sa pangunguna ni Area Police Command – WestMinCom Police Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo, na kumatawan kay PNP Chief General Dionardo Carlos.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni WestMinCom Commander Lt. Gen. Rosario sa mga kandidato sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi sa kanilang buong suporta sa makatotohanan, maayos, at mapayapang eleksyon.

Kasabay nito, tiniyak ng heneral na gagawin ng militar at pulisya ang lahat para masiguro ang seguridad ng lahat sa darating na halalan.

Follow SMNI News on Twitter