Peace talks sa CTGs, itutuloy umano ni PBBM

Peace talks sa CTGs, itutuloy umano ni PBBM

IPAGPAPATULOY umano ni Pangulong Bongbong Marcos ang peace talks sa CTGs.

Matapos lagdaan ng CPP-NPA-NDF at ng Marcos Jr. administration ang Joint Communique sa Oslo, Norway noong Nobyembre 23, 2023, ay may kumakalat na naman na balita na ipinagpatuloy pa rin umano ni Marcos Jr. ang peace talks sa komunistang teroristang grupo kahit pa inulan ito ng batikos ng maraming Pilipino.

Sa online program ng dating CPP-NPA-NDF former National Intelligence Officer na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz, ito aniya ang dahilan kung bakit hindi tumitigil sa pagpuna ang urban operations ng teroristang grupo laban sa kasalukuyang administrasyon.

“At ngayon ay nakatanggap ang Pilipinas nating Mahal ng balita at impormasyon na dinudugtungan nila dahil may go signal na ni Marcos Jr. na i-resume ang peace talks at ito ngayon ang ginagamit ng CPP-NPA na channel kung bakit ‘di sila bumibitaw na openly politically at least ang urban operations nila laban sa Marcos Jr. government,” ayon kay Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Former National Intelligence Officer, CPP-NPA-NDF.

Kung matatandaan, isa na si Vice President Sara Duterte na hindi sang-ayon sa muling pagbuhay ng peace talks.

Aniya, ang usaping pangkapayapaan ng CPP-NPA-NDF, ay isang pakikipagkasunduan sa demonyo.

“Mga kababayan walang katulad ang kasamaan ng teroristang Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front of the Philippines sa kapwa nila Pilipino. Mr. President the government statement with the NDFP in Oslo was an agreement with the devil, napatunayan na natin sa kasaysayan na hindi sila seryoso at wala silang sinseridad sa usaping pangkapayapaan, gagamitin nila ang peace negotiation sa pagtraydor sa pamahalaan,” ayon kay VP Sara Duterte.

Samantala, pinayuhan ng dating director general ng National Intelligence Coordinating Agency na si Alex Paul Monteagudo si Galvez na maging maingat ito sa kaniyang mga hakbang sa pakikipag-negosasyon sa mga komunistang teroristang grupo sa usaping pangkapayapaan.

“Aaminin ko when I heard about this, I communicated with Secretary Charlie Galvez at inexplain ko sa kaniya just to make sure ito. Huwag kang pumayag na kung makipag-usap ka never allow yourself to be manipulated with this and this magbigay ako ng guidelines para matulungan ko naman kasi naumpisahan na nila,” ayon kay Alex Paul Monteagudo, Former DG.

Samantala, binigyan-diin naman ni Ka Eric ang masamang idinudulot ng peace talks sa tuwing pinahihintulutan ito ng pamahalaan, gaya na lamang sa administrasyong Duterte bago ito tuluyang tuldukan.

“Nagkaroon ng bilateral ceasefire agreement for 155 days the longest so far in the history of our talks with the CPP-NPA-NDF. Subalit ang ginawa nila Director General Paul Monteagudo, ay 32 cases of destructive arsons sa mga kumpanya ng sagingan, pinya, recorded ito at nang aambush ng mga pulis at military at nag recover sila ng more than 500 barangays,” saad ni Ka Eric.

Sa huli, ay nilinaw ni Moteagudo na ang naturang hakbang ay may kinalaman pa rin sa politika.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble