IDINEKLARA ng Commission on Elections (COMELEC) ang Pebrero 12 bilang Pambansang Araw ng mga Botanteng Pilipino.
Ang Pebrero 12 ang unang araw ng voter’s registration para sa 2025 midterm elections.
Kasabay rito ay inihahanda rin ng COMELEC ang maraming aktibidad sa unang araw ng pagpaparehistro ng mga botante.
Layon nitong mahikayat ang mga bagong botante na magparehistro.
Para sa nalalapit na halalan, target ng COMELEC na makapagparehistro ng 2-M bagong botante.