DINEKLARA ng Malakanyang ang Pebrero 26 bilang non-working holiday sa Zamboanga City bilang tanda ng ika-84 anibersaryo ng Charter Day.
Sa inisyung Proclamation No. 1103 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga Zamboangueños na ipadiwang ang Charter Day anniversary.
Samantala, sinabi ni Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar na i-broadcast ang nasabing kaganapan sa kanyang official Facebook page na may titulong “Dia de Zamboanga”
Highlights ng selebrasyon ang pag-turnover ng Zamboanga City Waterfront at Heritage Walk Development sa R.T. Lim Boulevard bandang 5:30 ng hapon.
Kabilang sa mga aktibidad ang SIEMBRA: Zamboanga Horticultural Festival 2021 mula Pebrero 22 hanggang 28 sa SM City Mindpro; Dia de Zamboanga Job Fair 2021 noong Pebrero 24 sa KCC Mall de Zamboanga; at ang Local Achievers Award sa Pebrero 26.
Ang Dia de la Ciudad de Zamboanga ay isang taunang pagdiriwang ng charter anniversary ng lungsod tanda ng pagluluklok ng unang hanay ng mga naitalagang opisyal na pinamunuan ni Mayor Nicasio Valderosa noong Pebrero 26, 1937.