Dalawang indibidwal sa Dubai, nahaharap sa kaso

Paggawa ng pekeng PCR test result, nahaharap sa kaso ngayon ang dalawang indibidwal  sa bansang Dubai.

Isang investor at isang Airline employee nahaharap sa kaso matapos gumawa ng pekeng negative COVID-19 PCR test result upang payagang makapagbyahe sa labas ng UAE.

Ayon sa testimonya ng complainan, ang 32 taong gulang na Asian investor ay hiniling ng isang Airline employee na magbigay ng bagong report o text message na nagpapatunay bilang kumpirmasyon sa negatibong PCR test result matapos itong magpakita ng na-expire na resulta.

Matapos ang kalahating oras, bumalik ang investor na may dalang bagong resulta na natuklasang peke diumano.

Sa interogasyon, sinabi ng investor na ang kasamahan nito ang nagbigay ng printout ng kaparehas na resulta matapos baguhin ang araw ng pagka-isyu nito para payagang makaalis ng bansa.

Ang dalawang akusado ay inaresto na at naka-detine sa korte hanggang sumailalim sa trial nito.

 

(BASAHIN: Medical science clinic para sa reverse human aging, bubuksan sa Dubai)

SMNI NEWS