Pelikula ni John Arcilla na “On The Job” nanguna sa 45th Gawad Urian

Pelikula ni John Arcilla na “On The Job” nanguna sa 45th Gawad Urian

TINANGHAL bilang “Best Film” ng 45th Gawad Urian ang pelikulang “Big Night” at “On The Job: The Missing 8”.

Nakakuha ng 8 awards ang pelikulang “On The Job: The Missing 8” kabilang dito ang “Best Actor Award” kay Filipino actor John Arcilla sa ginanap na awarding ceremony sa UPFI Film Center sa Quezon City.

Ang nasabing parangal ay ang pinakaunang award na natanggap ni John Arcilla bilang “Bbest Actor”.

Kaya naman laking pasasalamat ni John sa nasabing parangal.

Bukod pa kay John nakatanggap din si Lotlot de Leon bilang “Best Supporting Actress” at “Best Supporting Actor” para kay Dante Rivero para sa nasabing pelikula.

 

 

Follow SMNI News on Twitter