PAG-aaralan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga pelikula na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan.
Kabilang dito ang tatlong Rated PG, ilang Restricted-16 at 18.
Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio maaring manood ang mga edad 13 pababa sa ilalim ng PG kasama ang mga magulang.
Ang mga paboritong Korean action movie ay binigyan ng ahensiya ng PG rating dahil may mga eksena na hindi angkop sa bata.
Aminado rin si Lala na mas pinapanood ng mga Pilipino ang mga Hollywood films kaysa local films.
Sa huli paalala naman ni Lala na maging responsableng manonood at maging matalino sa pagsuri sa mga pelikula na angkop sa mga kabataan.