NANALO si Maris Racal ng dalawang beses para sa kaniyang pelikulang Sunshine mula sa 2025 Austin Asian American Film Festival sa Texas, USA.
Partikular na ang Narrative Feature Jury Award at ang Narrative Feature Audience Award ang napanalunan ng Sunshine.
Ang Sunshine ay sentro sa kuwento ng isang batang gymnast na ginagampanan ni Maris.
Nadiskubre niyang buntis siya ilang araw bago ang national team tryouts.
Sa gitna ng pangarap niyang maging atleta at ng mahigpit na batas kontra-aborsiyon sa Pilipinas, pinasok niya ang isang mapanganib na paglalakbay upang wakasan ang kaniyang pagbubuntis.