KUMPIRMADO na ang sequel ng 2024 hit musical movie na ‘Wicked’ sa susunod na taon.
Makikita rin muli rito sina Cynthia Erivo at Ariana Grande.
Sa official social media page ng pelikula, ‘Wicked: For the Good’ ang magiging pamagat nito.
Aasahan na rin anila ang screening ng sequel sa Nobyembre 21, 2025.
Isa ang ‘Wicked’ sa patok na pelikula ngayong taon at nasa 500 million dollars na ang kita nito sa movie theaters globally.