HINDI pa rin nawawala ang penitensiya tuwing Semana Santa sa pamamagitan ng paghahampas sa likod o tinatawag na self-flagellation.
Ito ay simbolo ng paghingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan sa Panginoon.
Ngayong Maundy Thursday ay maraming kalalakihan ang lumahok sa tradisyon na ito sa Tagaytay Street ng Barrio San Jose sa lungsod ng Caloocan.