Performance-based bonus ng mga pulis para sa FY 2021, natanggap ngayong araw

Performance-based bonus ng mga pulis para sa FY 2021, natanggap ngayong araw

NATANGGAP na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang performance-based bonus (PBB) para sa Fiscal Year (FY) 2021 ngayong araw.

Ito ay makaraang maglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng Special Allotment Release Order (SARO) sa PNP na nagkakahalaga na mahigit P3.7-B na ipamamahagi sa 220,116 personnel.

Ayon kay Police Brigadier General Rommel Francisco Marbil, Director for Comptrollership, ang pondo ay naproseso na ng Directorate for Comptrollership at PNP Finance Service at na-credit sa individual ATM payroll account ng PNP personnel.

Katumbas ito ng 52% ng buwanang basic salary ng bawat indibidwal simula Disyembre 31, 2021, at isasailalim sa pagbubuwis sa alinsunod sa TRAIN Law.

Kabilang sa apektado ng tax deduction ay ang uniformed personnel na may ranggong Police Major hanggang Police General (PGen.) at non-uniformed personnel na may Salary Grade 20 pataas.

Pinasalamatan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang pagkilala ng gobyerno sa pagsusumikap at dedikasyon ng mga pulis sa pagtupad sa kanilang tungkulin at responsibilidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter