APRUB kay dating Philippine President at ngayoy’ Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang performance ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa APEC Summit.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, literal na nagche-cheer si Arroyo sa mga talumpating ginawa ni Pangulong Marcos sa mga pagtitipon sa APEC.
Ani Romualdez, labis na namangha ang dating Presidente kay Pangulong Marcos dahil sa magaganda nitong pahayag, mga sagot sa tanong at incisive na paghahayag ng punto.
‘’You could see GMA there literally cheering him on and we would see how delighted she was with his performance and the crowd itself was applauding our President for his very, very clear-cut answers, and very incisive,’’ ani Romualdez.
Para naman kay Romualdez, likas na magaling magsalita ang ating Pangulo kahit sa usapin ng ekonomiya o pulitika kaya nakamamanghang saksihan ayon sa lider ng Kamara ang Chief Executive ng Pilipinas na igiit at ipagmalaki kung ano ang meron tayo sa bansa.