Peru, kinoronahan bilang Miss Grand International 2023

Peru, kinoronahan bilang Miss Grand International 2023

KINORONAHAN bilang Miss Grand International 2023 si Luciana Fuster ng Peru.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nasungkit ng Peru ang nabanggit na titulo

matapos unang naipanalo ito ni Maria Jose Lora noong 2017.

Sa 2023 edition ng pageant, 1st runner-up ang representative ng Myanmar; 2nd runner-up ang Colombia; 3rd runner-up ang Estados Unidos; at 4th runner-up ang Vietnam.

Si Miss Grand Philippines 2023 Nikki de Moura ay hindi naman pinalad na makapasok sa top 20.

Isinagawa ang coronation night nitong Oktubre 25, 2023.

Samantala, sa kasaysayan, hanggang first runner-up lang ang pinakamataas na nakuha na puwesto ng Pilipinas sa naturang pageant.

Nasungkit ito nina Nicole Cordoves noong 2016 at Samantha Bernardo noong 2020.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter