Petisyon ng ABS-CBN kaugnay sa labor case, ibinasura ng CA

BINASURA ng Court of Appeals (CA) ang petisyon na inapela ng ABS-CBN Corporation sa isang labor case na kinabilangan ng dalawang empleyado nito.

Sa isang 15-pahina na desisyon na may petsang Pebrero 4, itinanggi ang petition for certiorari na inapela ng broadcasting firm dahil sa ‘lack of merit’.

Mababatid na nag-apela ng reklamo ang dalawang empleyado na sina Ellen N. Lagat at Simonette C. Soriano laban sa nasabing kompanya dahil sa illegal dismissal, non-payment of overtime pay, 13th-month pay, incentive leave pay, holiday pay, maging ang attorney’s fees.

Nakaraang Pebrero 2012,  napagdesisyunan ng labor arbiter na iligal nga ang pag-dismiss ng broadcasting company sa dalawang empleyado nito. Inilabas din na si Lagat at Soriano ay naging regular employees by operation of law.

Pebrero 17, 2013, nag-isyu ang labor arbiter ng writ of execution pending appeal for the payment of accrued salaries mula Marso 26,2012 hanggang Pebrero 26, 2013, na nagkakahalaga ng PhP245,150 kabilang na ang 10 porsiyentong attorney’s fees, execution fee, at deposit fee.

Inapela naman ng ABS-CBN company ang kaso na umabot sa Supreme Court kung saan ito ay nakabinbin sa ngayon.

Taong 2018 nang mag-isyu ang labor arbiter ng isang execution order para bayaran ng kompanya ang una nang ipinatupad na kahatulan dahil walang temporary restraining order na inisyu ng CA o ng SC.

Dagdag pa ng CA sa pagbasura ng apela, ang nasabing kompanya na ito ay “failed to discharge its burden of proving that the National Labor Relations Commission committed grave abuse of discretion” at itinanggi ang petisyon nito dahil sa ‘lack of merit’.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.