Petisyon ng ABS-CBN para harangin ang kautusan ng NTC, ibinasura ng Korte Suprema

Petisyon ng ABS-CBN para harangin ang kautusan ng NTC, ibinasura ng Korte Suprema

DINISMIS o ibinasura na ng Korte Suprema ang petisyon ng ABS-CBN Corporation na humiling na magpalabas ng temporary restraining order laban sa Cease and Desist Order na inisyu ng National Telecommunication Commission (NTC).

Sa idinaos na virtual en banc session ng mga Supreme Court justice, 14 na mahistrado ang bumoto para ibasura ang petisyon ng ABS-CBN dahil sa pagiging moot and academic o balewala na ang petisyon ng giant network matapos na hindi na binigyan ng Kongreso ng franchise extension o prangkisa ang Kapamilya Network.

Nauna dito ay naghain ang ABS-CBN ng Petition for Certiorari and Prohibition na humihirit ng TRO para ipatigil ang kautusan ng NTC.

Pero sa komento ng NTC na inihain sa Korte Suprema ay iginiit nitong hindi sila nagmalabis sa kanilang kapangyarihan nang nag-isyu sila ng Cease and Desist Order noong May 2020 kaya napahinto o napatigil ang operasyon ng ABS-CBN.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.