Petisyon ni Deniece Cornejo sa bail grant ni Vhong Navarro, nabasura

Petisyon ni Deniece Cornejo sa bail grant ni Vhong Navarro, nabasura

IBINASURA ng korte sa Taguig ang motion for reconsideration ni Deniece Cornejo laban sa naunang court order na nagbigay ng bail plea kay comedian-host na si Vhong Navarro.

Sa ibinabang court order ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, sinabi nito na walang pagsunod na nangyari mula sa public prosecutor nang ipinasa nito ang kanyang motion for reconsideration.

Iginiit ng RTC na kailangan ng direksyon at kontrol ng isang public prosecutor para ma-prosecute ang isang krimen.

Matatandaan na noong Disyembre 6 nang pinalaya si Navarro matapos ang halos 3 buwang pagkakakulong dahil sa muling binuhay na rape cases na isinampa laban sa kanya ni Cornejo.

Follow SMNI NEWS in Twitter