NAGHAIN ng petisyon sa Korte Suprema si Kitty Duterte upang hilingin ang pagbabalik ng kaniyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa Pilipinas.
Naghain na ng petisyon sa Korte Suprema ngayong araw, 12 Marso 2025, si Kitty Duterte, ang bunsong anak ni FPRRD, upang hilingin na pabalikin ang kaniyang ama sa Pilipinas.
Kasama ni Kitty sa paghain ng petisyon si Atty. Salvador Panelo at ang anak niyang si Salvador Paolo.
Sa Davao City naman ay naghain si Atty. Daina Tolentino-Fuentes sa ngalan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ng writ of habeas corpus kaugnay pa rin sa pagka-aresto ni FPRRD.
Sa kasalukuyan ay bumibiyahe na si FPRRD papuntang The Hague, Netherlands upang humarap sa International Criminal Court (ICC).
Umalis ito sa Pilipinas alas-11 ng gabi nitong Martes, Marso 11, at nag-layover sa Dubai kaninang umaga.
Samantala, sinabi ni Atty. Panelo na ang ginawang paghuli at paglipad sa dating pangulo patungong Netherlands ay isang ‘pagdukot’ at ‘pagsuko ng soberaniya’ ng Pilipinas sa ICC.
Matagal nang sinabi ng maraming eksperto na walang hurisdiksiyon sa bansa ang ICC dahil matagal nang kumalas dito ang Pilipinas bilang miyembro.
Sa panig naman ni Vice President Sara Duterte, tinawag niya itong ‘state kidnapping.’
Follow SMNI News on Rumble