Petition of DQ ng mga kandidato, dapat may cut-off period—Atty. Glenn Chong

Petition of DQ ng mga kandidato, dapat may cut-off period—Atty. Glenn Chong

DAPAT may cut-off date ang Commission on Elections (COMELEC) para sa pagtanggap ng mga petition for disqualification at petition for cancellation of certificate of candidacy sa bawat halalan.

Ito ang naging suhestiyon ng anti-election fraud advocate na si Atty. Glenn Chong sa panayam ng SMNI News.

Aniya, pagkatapos ng nakatakdang petsa ay dapat aksiyunan agad ng COMELEC upang maresolba ang lahat ng mga reklamo sa mga kandidato.

Sa pamamagitan nito ay maiwasan ang isyu ng pagmamanipula o pagpabor sa isang kandidato.

Samantala, pabor naman si Chong sa mungkahi na magkaroon ng special election sa isang distrito.

Kasunod ito ng isyu ng mga naiproklamang congressman na natalo dahil sa pagkakadiskwalipika ng mga nanalong kandidato.

Aniya, mas maganda ang special election upang maipakita talaga kung sino ang napupusuan ng mga residente sa isang lugar.

Nitong nakaraang eleksiyon ay naging maingay ang usaping ito matapos makaupo pa rin ang mga natalo.

Halimbawa na lamang sa kaso ni Benny Abante na kahit na natalo ito sa kanyang distrito ay naiproklama pa rin dahil sa pagkakadiskwalipika ng kanyang katunggali na si Joey Chua Uy.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble