MAGLALABAN mamayang alas kwatro ng hapon, Disyembre 10, 2024 ang Petro Gazz Angels at PLDT High Speed Hitters.
Susundan naman ito ng Chery Tiggo Crossovers at Akari Chargers, 6:30 ng gabi.
PhilSports Arena ang venue ng Tuesday game ng preliminaries ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference.
Samantala, sa nagpapatuloy na elimination round ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup, alas singko mamayang hapon maglalaro ang Blackwater Bossing at Hong Kong-based basketball team na Eastern.
Habang 7:30 ng gabi ang laban ng San Miguel Beermen kontra Rain or Shine Elasto Painters.
Sa Filoil Eco Oil Centre gaganapin ang mga laban.