Petro Gazz Angels nabigo sa Kaohsiung Taipower sa AVC Challenge Cup

Petro Gazz Angels nabigo sa Kaohsiung Taipower sa AVC Challenge Cup

HINDI nakalusot ang Petro Gazz Angels sa lakas ng depensa at atake ng Kaohsiung Taipower ng Taiwan, sa score na 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 sa nagpapatuloy na AVC Challenge Cup for Women sa PhilSports Arena.

Dahil sa panalong ito, awtomatikong nakapasok sa quarterfinals ang Taipower matapos makumpleto ang dalawang sunod na panalo sa Pool B.

Bagama’t nakabawi ang Angels sa third set, hindi ito naging sapat upang mapigilan ang momentum ng Taiwanese squad.

May pag-asa pa rin ang Petro Gazz na makasama sa quarterfinals kung magwawagi sila kontra sa Hip Hing ng Hong Kong ngayong Martes, Abril 22.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble