POSIBLENG mas maunang gamitin sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine mula sa Pfizer kaysa sa mga bakuna na gawa ng Sinovac mula China.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez.
Ayon kay Galvez, makikipagpulong siya ngayong araw sa mga kinatawan ng COVAX facility para pag-usapan ang maagang rollout ng vaccine sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero.
Sinabi ni Galvez na ang mga bakuna mula COVAX facility ay libre at maaring mabenepisyuhan ang nasa 20 milyong katao.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa 50,000 doses ng Sinovac vaccine ang inaasahang ding darating sa bansa sa susunod na buwan.