BABAKUNAHAN ng Philippine General Hospital (PGH) ang 5,000 empleyado nito sa loob lamang ng isang linggo.
Ito ang inihayag ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario.
Ayon pa Kay Dr. Del Rosario, uunahing babakunahan ng ospital ang mga doktor, nurse at paramedics na nag-aalaga ng mga COVID-19 patient.
Ani Del Rosario, pagkatapos ng mga ito, isusunod na ang mga frontliner na kasali sa COVID-19 operations at mga nag-aasikaso ng mga non-COVID patients.
Dagdag pa ni Dr. del Rosario, isusunod na ang PGH’s administrative staff, kasama ang personnel at secretaries.
Bagama’t babakunahan ang lahat, maaari pa rin tumanggi ang isang empleyado.
Sa isinagawang survey ng PGH, aabot sa 72% ang pabor na mabakunahan, 25% ang hindi muna sa kasalukuyan at nasa 2% ang nagsabing hindi magpapabakuna.