MAS dumarami ngayon ang mga batang naoospital dahil sa COVID-19 ayon sa obserbasyon ng Philippine General Hospital (PGH).
Sa Kapihan Session ng Department of Health (DOH), inihayag ni Dr. Ana Ong-Lim, Professor and Chief, Infectious and Tropical Disease in Pediatrics sa UP-PGH ang dumaraming bilang ng mga bata na naoospital dahil sa COVID-19.
“We did see an increase in numbers of admissions as reflected by an over capacity in the number of beds that we allocating for the COVID particularly in the Philippine General Hospital. Many of these kids were unvaccinated either because they were younger than five years or they have not yet opted to be vaccinated,” pahayag ni Lim.
Ang mga sintomas nito ay hindi lamang nade-detect sa sipon at ubo, ang iba sa pagtatae o diarrhea na nararanasan ng mga bata.
“Kaya namin ‘to alam kasi ‘pag naoospital we need to segregate them or allocate kung saan namin sila dadalhin. So kahit ‘yung presentation nila ay lagnat at pagtatae mati-test ‘yan at doon natin mahuhuli na o my goodness kahit pala diarrheal illness ang presentation nitong batang ‘to may COVID siya. So, the message is maraming ka-overlap ang symptoms ng COVID,” ayon kay Lim.
Aminado naman ang DOH na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa kabataan kasabay ng pagtaas ng kabuuang kaso sa bansa.
Pero ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, hindi ibig sabihin nito na karamihan sa mga kaso ay nanggaling na sa younger population.
“Kapag tumataas ang kaso overall sinasabayan ‘yan ng lahat ng age group even the younger population but what are they showing is ang contribution or proportion ng mga bata amongst all of the cases have not actually changed. Ibig sabihin though dumadami in terms of counts ‘yung laki ng mga kaso ng bata ay hindi lumalaki. Pare-pareho pa rin ang kontribusyon,” pahayag ni De Guzman.
Dagdag pa ni Dr. De Guzman, nanatili sa 10 percent ang populasyon ng mga kabataan na tinamaan ng COVID-19 kung pagbabasehan aniya ang latest data ng DOH.
“As of October 9, we can see that those age under 18 years old ‘yung pediatric population is contributing just under ten percent doon sa total na kaso natin. At kung titingnan natin ‘yung mas recent na datos mula August 22 when we have that peak ‘yung spike ng cases natin ‘yung proportion na ‘yun ay halos pareho lang. It’s also just around 10.1 percent,” ani De Guzman.
Pero lumalabas na kung hindi tataas ang vaccination rate ng mga kabataan ay baka mabago ang proportion ng mga kaso.
“And we need to push for vaccination because we don’t want the trend to change and we don’t want to see the higher proportion of children now becoming the one’s being admitted just because they are not getting the vaccination that is being provided naman,” ayon kay De Guzman.
Sinasabi naman na hindi nanggagaling sa paaralan ang hawaan ng mga kabataan ngayon.
Ayon kay Lim, mayroon namang ginawang mga orientation sa mga paaralan para sila ay hindi mahawaan ng sakit.
“So kung meron man tayong aasahang transmission, it will probably be during meal breaks. Katulad na lang din na nakikita natin sa sarili nating mga workplaces. So right now I’m not aware of any reports of clusters coming in from school,” ani Lim.
Iginiit din ni Lim na dapat protektado sa sakit ang mga nakakasalamuha ng mga bata sa komunidad o sa kanilang pamamahay para hindi sila tamaan ng COVID-19.
Sa ulat na ibinahagi ni Lim na mayroong naitatalang fatality sa mga bata na may edad isa dahil sa tama ng COVID-19.
Matatandaan na ang bakunahan sa mga bata para sa COVID-19, nagsisimula lamang sa mga may edad lima pataas.
Sinabi ni Dr. Edsel Salvana, hindi maiiwasan ang hawaan dahil sa pagtaas ng mobility.
Pero segunda ng infectious diseases expert, kailangang na-booster o bakunado ang mga madalas nakakasalamuha ng mga bata para maiiwas sila sa sakit.
“Mortality is lower but of course there’s also a lot more of them are not vaccinated and boosted and so we have to as what Ma’am Anna said surround them with people who are properly vaccinated and boosted. Siguraduhin natin all the teachers, all the hospital employees are vaccinated and boosted. ‘Yung mga classmate nila na pwedeng i-boost, i-boosted din and of course ‘yung pagganit ng mask,” pahayag ni Dr. Salvana.