PGH, pinag-aaralan na kumuha ng military doctors at mga ojt sa paglaban kontra COVID-19

PINAG-aaralan ngayon ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagkuha sa mga military doctors at mga intern sa kanilang pakikipag-laban kontra COVID-19.

Ayon sa Medical Director na si Dr. Jonas del Rosario, may ilang mga intern ang nagpahayag na magbulutaryo na magsilbi sa PGH na isa sa mga ospital na magsisilbing refferal ng mga COVID-19 patient.

Ang mga interns ay magsilbi bilang assistant ng mga senior doctors.

Ang kalahati sa mga doktor ng PGH ay magsisilbi sa mga COVID-19 patients at magkakaroon ng shifting sa pagtingin sa mga pasyente.

Dagdag pa ni Dr. Del Rosario, sasailalim din sa 14-day quarantine ang mga doktor na na-expose sa COVID-19.

Kung kukulangin umano sa mga medical staff, pinag-aaralan nila ang paggamit sa mga military doctors.

Sa kabila nito, nangako naman ang DOH na magbibigay ng 120 duktor na tututok sa COVID-19 patients.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.