PGH, puno na ang Intensive Care Unit para sa COVID-19 patients

PUNO na ang Intensive Care Unit (ICU) ng Philippine General Hospital (PGH), ang pinakamalaking COVID-19 referral center sa bansa.

Bukod dito, sinabi ni PGH Spokesperson Jonas del Rosario na okupado na rin ang 156 sa 180 kamang nakalaan para sa COVID-19 patients.

Habang nasa mahigpit sampu pa aniyang COVID-19 patients ang naghihintay na ma-admit.

Ayon kay Del Rosario, sa 157 virus patients sa ospital, 40 percent ang may moderate case ng sakit, 25 percent ang severe, 20 percent ang kritikal at ang natitira ay mild cases.

Umapela naman ang ospital sa Department of Health (DOH) na magdeploy ng volunteer health workers ngayong muling tumaas ang mga kaso ng coronavirus sa National Capital Region.

Samantala, gugunitain naman ng PGH ang kanilang unang taon ng pagiging COVID-19 referral center sa Marso 30.

(BASAHIN: PGH, nilinaw na tumatanggap pa rin ng non-COVID-19 patients)

SMNI NEWS