NATANGGAP na ni Philippine Air Force Commanding General Stephen Parreño ang kanyang ikatlong estrella sa balikat.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Chairman ng AFP Board of Generals, alinsunod sa RA 11709 ang pagtatalaga kay Parreño bilang Lieutenant General epektibo noong Enero 13.
Pinangunahan ni AFP chief of staff General Andres Centino ang donning of rank ceremony sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Sinaksihan ito ng matataas na opisyal ng AFP, pamilya ni Parreño at mga panauhin.
Matapos nito, binigyan ng traditional full military honors si Parreño sa headquarters ng Philippine Air Force sa Pasay City bilang pagbati sa kanyang promosyon.
Samantala, ilang opisyal din ng militar ang natanggap ang kanilang ikalawang estrella o ranggo na Major General, unang estrella o ranggo na Brigadier General at isang reservist na tumaas sa ranggo na Colonel.