PH Air Force contingent na lalahok sa Pitch Black Exercise sa Australia, makukumpleto na ngayong araw

PH Air Force contingent na lalahok sa Pitch Black Exercise sa Australia, makukumpleto na ngayong araw

TUTUNGO na ngayong araw ng Martes Hulyo 9, 2024 ang kabuuang 162 Philippine Air Force (PAF) personnel na lalahok sa Pitch Black Exercise 2024 sa Darwin, Australia.

Ayon kay PAF Spokesperson Col Ma. Consuelo Castillo, ito na ang bubuo sa hanay ng mga Pilipinong sundalo na lalahok sa nasabing pagsasanay na gagawin ngayong Hulyo 12 at tatagal hanggang Agosto.

Sasabay rin sa pagtungo sa Darwin, Australia ang dalawang FA-50 fighter jets para sa nasabing pagsasanay.

Ang Pitch Black 2024 ay ang pinakamalaking Australian at International Military Exercise kung saan, tampok ngayong taon ang paglahok ng nasa 20 bansa kabilang na ang Pilipinas.

Naniniwala ang bansa na sa pamamagitan ng nasabing aktibidad ay muling mapapalawak ng mga Pilipinong sundalo ang kanilang kalinangan at husay sa larangan ng operational capabilities, pagpapalakas sa international partnerships, pagtugon sa mga kinakailangang tulong, at suporta sa seguridad ng mga karatig bansa sa rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble