MAGING ang Philippine Air Force (PAF), tumulong na rin sa pag-aapula sa malaking sunog na sumiklab sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila kahapon, araw ng Linggo, Nobyembre 24, 2025.
Gamit ang kanilang mga Black Hawk, B205 at SOKOL helicopters, nagsagawa ang Air Force ng hell-bucket operations, nagbagsak sila tubig sa mga nasusunog na bahay sa lugar.
Matatandaang nagsimula ang sunog dakong alas-8:02 ng umaga na umakyat sa Task Force Charlie kung saan, tinupok ang mahigit 1 libong bahay habang mahigit 2 libong pamilya ang naapektuhan.
Idineklara namang FIRE OUT ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog dakong alas-4:07 ng hapon habang tinatayang aabot sa humigit-kumulang P4M ang iniwang pinsala nito sa ari-arian.