PH Air Force inalala ang mga karangalan na naihatid ni Mervin Guarte

PH Air Force inalala ang mga karangalan na naihatid ni Mervin Guarte

NAGPAABOT ng kanilang pakikiramay ang Philippine Air Force (PAF) sa pagkasawi ng isang Southeast Asian (SEA) Games medalist at miyembro ng PAF na si Airman First Class (A1C) Mervin Guarte.

Si Guarte ay pumanaw matapos pagsasaksakin sa dibdib habang natutulog sa bahay ng kaibigan sa Brgy. Kagawad Dante Abel sa Sitio Pinagkaisahan sa Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon sa Air Force ang kaniyang disiplina at dedikasyon na maging mahusay ay nagresulta upang maging huwarang kawal at matagumpay na atleta na nagdala ng karangalan at maipagmamalaki ng bansa at ng PAF.

Siniguro naman ng PAF ang tulong at buong suporta sa mga naiwang pamilya ni Guarte kasunod ng nangyaring insidente.

Kung matatandaan sa pamamagitan ng Direct Enlistment noong taong 2015 ay nakapasok si A1C Guarte sa Philippine Air Force, bago ang malagim na insidente ay nagbigay na ng karangalan para sa Pilipinas si Guarte.

Kabilang sa kaniyang mga napanalunan ay ang magkampiyon sa Spartan Race Beast 21KM – SPARTAN ASIA PACIFIC CHAMPIONSHIP (2024), Gold Medalist, SEA Games 2019 sa Obstacle Course Relay at marami pang iba.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter