PH Air Force, puspusan ang paghahanda para sa Araw ng Kalayaan

PH Air Force, puspusan ang paghahanda para sa Araw ng Kalayaan

PUSPUSAN ang paghahanda ng Philippine Air Force (PAF) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa darating na Lunes, Hunyo 12.

Ayon kay PAF Public Affairs Office chief Colonel Major Consuelo Castillo, ang paglipad ng kanilang air assets ay bahagi aniya ng flyby exercise ng kanilang mga piloto bilang paghahanda sa naturang aktibidad.

Napawi naman ang pangamba ng publiko sa paglipad ng kanilang air assets nitong araw ng Huwebes, Hunyo 8, 2023.

Nabatid na lumipad ang iba’t ibang air assets ng PAF kabilang ang FA-50 jet at black hawk helicopter.

Partikular itong namataan sa Luneta Park, Manila City Hall at Roxas Boulevard sa Maynila.

Follow SMNI NEWS in Twitter