PH Army mas pinalakas ang HADR response sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Pepito

PH Army mas pinalakas ang HADR response sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Pepito

IDINEPLOY na ng Philippine Army ang kanilang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) teams sa buong Luzon dahil sa Super Typhoon “Pepito”.

Ang 9th Infantry Division na aabot sa 81 HADR teams ang kanilang ipinakalat sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Masbate bilang tulong sa nagpapatuloy na search and rescue operations sa buong Bicol Region.

Habang ang 7th Infantry Division naman ay idineploy ang tatlong teams upang tumulong sa ginagawang repacking ng mga relief goods sa DSWD Region 3 Warehouse sa San Simon, Pampanga.

Ang 2nd Infantry Division naman ay idineploy na ang kanilang rescue personnel at tatlong KM450s sa mga bayan ng Buenavista at San Rafael sa Quezon Province at Capalonga, Camarines Norte upang umasiste sa nagpapatuloy na HADR operations sa nasabing lugar.

Dahil sa sunud-sunod na bagyo na dumaan sa bansa, siniguro ng army na nakaantabay ang lahat ng kanilang tropa at mga kagamitan upang tumulong sa mga lugar na apektado ng bagyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble