PH Army mas pinatibay pa ang respeto at dignidad ng bawat kasarian

PH Army mas pinatibay pa ang respeto at dignidad ng bawat kasarian

MAS pinatibay pa ng mga tauhan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, respeto, at dignidad para sa lahat ng kasarian.

Ang naturang pahayag ay kasunod ng ginawang 18-araw na kampanya kaugnay sa Violence Against Women (VAW).

Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa headquarters ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang seremonya na nabanggit na aktibidad ay pinangunahan ni LtGen. Roy Galido, Commanding General ng Hukbong Katihan at hinikayat ng opisyal ang mga tauhan ng Philippine Army na maging halimbawa, magbigay ng kanilang lakas sa mga mahihina, at tumindig laban sa pang-aabuso at diskriminasyon.

Paalala rin ng Army Chief na ang organisasyon ay sumusuporta sa zero-tolerance policy laban sa lahat ng anyo ng karahasan batay sa kasarian.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble