PH Army, nakiisa sa isinagawang Land Forces Summit sa Japan

PH Army, nakiisa sa isinagawang Land Forces Summit sa Japan

PINANGUNAHAN mismo ni Commanding General Philippine Army (CGPA), Lt. Gen. Roy M. Galido, ang delegasyon nito sa Land Forces Summit (LFS) kung saan nagsilbing host ang Japan Ground Self-Defense Force (JGSDF).

Isinagawa ito sa Camp Ichigaya, Shinjuku, Tokyo na nagsimula noong Disyembre 12 at nagtapos kahapon Disyembre 14, 2023.

Bukod kay LtGen. Galido, nakasama nito si Chief of Staff Gen. Yasunori Morishita, US Army Pacific Chief Gen. Charles A. Flynn, U.S. Marine Corps Forces Commander Gen. William M. Jurney.

Kasama rin sina Lt. Gen. Simon Stuart, ang Chief of the Australian Army, at Philippine Marine Corps Commandant Maj. Gen. Arturo G.  Rojas sa nasabing summit.

Ito ang unang meeting ng top leaders ng Pilipinas, Japanese, U.S., at Australian Land Forces na layong talakayin ang mga estratehiya lalo na sa defense cooperation nito sa loob ng Indo-Pacific region.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter