PH bet Celeste Cortesi, balik-Pilipinas na

PH bet Celeste Cortesi, balik-Pilipinas na

BALIK-Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi matapos irepresenta ang bansa sa ika-71 na edisyon ng Miss Universe Pageant sa New Orleans, Louisiana, United States.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Filipina-Italian beauty queen ang isang artwork ng kaniyang sarili suot ang Darna-inspired national costume na may madamdaming caption.

Ayon kay Celeste, tiyak na naging mapanghamon ang nakaraang taon sa kanya ngunit gayon pa man ay naging pinakaexciting ito sa buong buhay niya.

Sa huling bahagi ng heartfelt post ni Celeste, ibinahagi niya na isang malaking karangalan para sa kanya ang maging kinatawan ng Pilipinas sa nasabing pageant at habambuhay niyang ipagpatuloy ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang Filipina.

Follow SMNI NEWS in Twitter