PUMIRMA ng kasunduan ang Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, at Vietnam Coast Guard (VCG) Commander, Major General Le Quang Dao na ginanap sa Hanoi Vietnam, nitong Martes Enero 30, 2024.
Layon nitong palakasin ang maritime cooperation sa dalawang bansa.
Kasama rin sa kasunduan ang mas malawak na mutual trust, and confidence at pagbuo ng hotline communication mechanism ng PCG at VCG.
Parehong pinaniniwalaan ng Pilipinas at Vietnam ang magandang relasyon ng mga bansa na nasa Southeast Asian region partikular na sa usapin ng maritime preservation.
Matatandaang, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vietnamese President Vo Van Thuong ang palitan ng bilateral documents between para sa nasabing kasunduan.