PH Consulate sa New York, natanggap na ang VCMs, paraphernalia para sa 2022 elections

PH Consulate sa New York, natanggap na ang VCMs, paraphernalia para sa 2022 elections

MATAPOS makaranas ng ilang delay, natanggap na ng Philippine Consulate General sa New York ang vote counting machines (VCMs) at iba pang election paraphernalia na gagamitin sa election 2022.

Ito ang inihayag ni Consul General Elmer Cato sa Twitter.

Bukod sa VCMs, kabilang din sa natanggap ng konsulado ang mga official ballot.

Ayon kay Cato, ipadadala na nila mamayang gabi ang unang batch ng overseas ballots na magpapahintulot sa mga kwalipikadong kababayan sa New York at iba pang bahagi ng United States Northeast na lumahok sa 2022 national elections sa Pilipinas.

Magsisimula sana ang overseas absentee voting (OAV) noong Linggo, Abril 10 ngunit hindi nakaboto ang mga registered Filipino voters sa Northeast US dahil sa nangyaring delay sa shipment.

Follow SMNI NEWS in Twitter