PH contingent na ipinadala sa Myanmar, bumalik na sa bansa

PH contingent na ipinadala sa Myanmar, bumalik na sa bansa

BUMALIK na sa bansa ang Philippine contingent na ipadala sa Myanmar.

Nakabalik na sa Pilipinas ang rescue team na ipinadala sa Myanmar 11:00 ng gabi nitong Linggo, April 13, 2025.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), magkakaroon sila ng isang seremonya para sa mga ito sa Villamor Air Base, Pasay bilang pagkilala sa kanilang serbisyo.

Ang Philippine contingent ay binubuo ng 89 na tauhan mula sa iba’t ibang ahensya.

Sa kanilang pananatili doon kung saan nagtayo sila ng Tent Hospital Sa Began, Myanmar ay nasa 157 na mga pasyente ang kanilang naserbisyuhan para sa libreng medical consultations.

Nasa 238 naman kabilang ang isang sanggol na may neonatal sepsis o malubhang impeksiyon sa dugo ang nai-refer sa isang ospital sa Myanmar.

Tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong March 28.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble