NANANATILING nakapokus ngayon ang Philippine contingent sa bansang Turkiye sa retrieval operations nito lalo na sa Adiyaman, Turkiye.
Batay sa datos na nakuha ng Office of Civil Defense, umabot na sa mahigit 200 indibidwal ang nalapatan ng paunang lunas ng Philippine Emergency Medical Team.
Habang umakyat naman sa 10 katawan ang narekober ng mga Pinoy rescuer.
Sa kabila nito, umaasa ang grupo na marami pa silang makikitang buhay bagamat limitado na lamang ang tsansiyang may mabuhay dahil na rin sa tagal ng nangyari ang nasabing lindol sa Turkiye.
Inaasahan naman na sa susunod na linggo ay posibleng bumalik na sa Pilipinas ang Philippine Response Teams depende sa pangangailangan mula sa dayuhang bansa.