DISMAYADO ang Philippine Egg Board Association
(PEBA) na bumaba ang presyo ng itlog sa kasalukuyan.
Sa gitna ito ng pagkakaroon ng oversupply.
Sa ulat, ang farmgate price ay nasa P4.83 bawat isa subalit nasa P4.93 naman anila ang kanilang nagagastos.
Bilang solusyon, iminungkahi ng Department of Agriculture (DA) na tutulungan ang local industry para sa exportation.
Ito na rin anila ang ginawa noong buwan ng Abril.
Umabot sa 3.24 milyong mga itlog ang kanilang nai-export ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista.
Sinabi ni PEBA Chairman Gregorio San Diego, mahirap ang export requirements.
Kasama sa kinakailangan ang certificate na negative ito sa bird flu at salmonella.