PH Embassy sa Iran nakipag-usap sa mga karatig-bansa para sa paglikas ng mga Pilipino

PH Embassy sa Iran nakipag-usap sa mga karatig-bansa para sa paglikas ng mga Pilipino

NAKIKIPAG-ugnayan na sa ibang bansa ang Philippine Embassy sa Tehran sakaling lumala ang tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon kay Philippine Ambassador to Iran Roberto Manalo, nakausap na nila ang mga diplomat mula Azerbaijan, Turkiye, at Turkmenistan.

Maaaring ilikas ang mga Pilipino sa mga bansang ito alinsunod sa direktiba ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Tinatayang nasa 700 Pilipino na may asawang Iranian ang nakarehistro sa embahada, ngunit wala pa sa mga ito ang humihiling ng repatriation.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble